Kaibigan...
Ika'y tumigil...
at iyong basahin
ang tulang hiniling sa akin
Sabi ko'y saglit
kapag ako'y may naisip
lahat positive hiling mo sa akin
pero kahit 'di sabihin
'yun ang lalabas sa aking mga titik
Sisimulan ko na ang pang-ookray sa iyo
este ang mga papuri sa'yo
ikay tunay na maaasahan
'pag may kaibigang nahihirapan
kahit financial problem man yan
nagpapakita ka man ng katarayan
puno ka naman ng kabaitan
Sa iyo'y maraming nahuhumaling
dahil sa kagandahang angkin
ngunit 'pag ika'y nagalit
parang dragon kung mag-init
Oooops....saglit...
huwag mag-init
imahinasyon lang ay naging makulit
ngumiti na lang ng walang patid
Madami mang sa iyo'y naiinis
ngiti ka lang ng matamis
sa tingin man nila tayo ay mataray
patawad 'pagkat kami'y totoo lamang
Sana sa tulang hiling na ito
Ika'y napasaya ng husto..
No comments:
Post a Comment